Sanaysay:
Sa aming paglilibot sa mga lansangan ng Maynila, aming napansin na dumarami na ang mga nagpapaskil ng mga anunsyo. Ang ilan sa mga aming nakita ay lumalabag sa mga batas sa paggamit ng wika. Sa aming pananaw, importante ang masusing pagsunod sa tamang paggamit ng wika sapagkat, kapag ang mga ito’y nabasa ng mga taong hindi nabigyan ng pormal na edukasyon, kanilang makakasanayan ang kamalian at baka ito na rin ang kanilang gamitin sa araw-araw.
Ang mga kamaliang ito ay ang mga sumusunod; maling pagbabay-bay, hindi paggamit ng mga gitling, maling paggamit ng mga pananda, at marami pang iba.
Ang mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon ay ang mga lubusang naaapektuhan ng mga kamaliang ginagamit sa araw-araw. Hindi natin maipagkakaila ang lantarang pagpapakita ng mga anunsyong ito dahil kitang-kita sa iba’t-ibang lugar ang ebidensya.
Anumang pagpapakita ng mga ganitong kamalian ay hindi nararapat, maliit man o malaki, sikat man o hindi, walang pinipili ang nararapat na pagsunod sa mga batas ng wika. Mga simpleng pagkakamali lamang ang mga ito ngunit napakalaki ng epektong magagawa nito sa lahat ng mga nakakakita nito araw-araw.
Nararapat lamang na suriing mabuti ang mga ipapaskil sa lansangan bago ito ipakita sa mga buong publiko.
-Cruz, Daniel Adrian
-Borgonos, Ivan
-David, Harry
-Macanip, Joshua
-Magpantay, Eris
-Franco, Mark
Sunday, September 20, 2009
Wednesday, September 16, 2009
ang maling spelling sa TODA :D
nakakadismayang basahin :D
isang babala :D
ang pagkakamali sa dyip :D
Subscribe to:
Posts (Atom)